Archive for may 2010 elections in the philippines

theory of automata

Posted in Uncategorized with tags , , on February 24, 2010 by apolseban

(smartmatic’s pcos(precint count optical scanner) machine)

dahil sa blog title, naalala ko tuloy yung instructor namin nung college at ang pamoso nyang pagpapamudmod ng xerox copy ng lesson nya kada meeting. na sa bandang huli ay may bayad pala..hehe! uy! chismis!

exciting ang election ngayong may 2010. partially-automated na! naks! umaasenso na ang pinas. “partially” kasi manual pa rin yung voting process. pipili ang botante ng napupusuan nyang kandidato, tapos lalagyan nya ng shade ang bilog sa tapat nito. wala na ang manual na pagsulat sa balota na isa rin sa nagpapagulo at nagpapabagal sa resulta ng eleksyon. naka-print na kasi sa balota ang lahat ng pangalan ng national hanggang local na mga kandidato. tapos, ipapasok ito sa counting-machine (“people’s machine”) para i-tally at masama sa bilang ng lahat ng mga boto. wala na ang magdamagang pagpaparusa sa mga mahal nating mga guro, na di magkanda-ugaga sa pagbabasa at pagbigkas ng malakas ng pangalan ng mga kandidatong binoto ng isang partikular na botante. mawawala na rin ang “tally-system” na pagsulat sa election returns ng mga guhit (na kumakatawan sa bilang ng boto) na sa minalas-malas ay madalas na inaabot ng hating-gabi, minsan madaling araw pa. hindi na rin sila babyahe sa paghatid ng mga ito sa munisipyo, na kadalasan ay naghahatid pa ng panganib sa mga mahal nating teacher.

sa mga manual na prosesong nabanggit, dyan na umeeksena ang mga “magician” para gawin ang mga “hokus-pokus” para mabago ang resulta ng eleksyon. ang pamosong “dagdag-bawas”, mga nagiging invisible na election returns at kung anu-ano pa.

sa may 2010 election, automatic na ang pagbibilang ng mga boto na magpapabilis sa resulta ng eleksyon. ayon sa comelec, within hours, matapos ang eleksyon, malalaman na ang resulta sa mga lokal na posisyon. within days or week (worse case scenario na raw yun pag inabot na ng ilang linggo!), alam na ang resulta sa national level. astig kung ganon!

ano ang masasabi ng pilosopo sa isyung ito? {*hmmm!*}

ok sige, mula ito sa point of view ko bilang isang alagad ng information technology. nakz! haha! maraming factor ang dapat i-consider bago mo i-computerized ang isang manual na proseso. {*di ako magpapaka-teknikal para ipaliwanag at isa-isahin ang mga yun, dahil ilang sem din yun sa college, hehe! babanggitin ko lang yung mga related sa isyu ng computerized election.*}. sa tingin ko, eto ang mga bagay na dapat nating ikunsidera:

1. teknolohiya – solved na ang isyung ito. may kontrata na ang comelec sa smartmatic. dito na rin pumapasok ang isyu sa halaga ng gastos na di ko na rin bubusisiin dahil napakahabang diskusyon nun.

2. tao – alam na ba lahat ng botanteng pinoy ang tungkol dito at kung ano ang gagawin nila sa oras ng pagboto? dapat ay may kongkretong programa ang comelec para ipaliwanag at ituro ito sa lahat ng botanteng pinoy.

3. sistema – heto na! tingin ko ito na ang pinakakritikal na parte. pihadong dumaan sa masusi at siyentipikong pag-aaral ang comelec bago ang implementasyon ng computerized election. oras na ng implementation. sa aspeto ng computer scince, ang implementation ay dapat partially o baha-bahagi. sisimulan ito sa maliit na bahagi. magkakaroon ng dry-run o pag-subok sa bagong sistema (testing stage). dito na maglalabasan (kung meron man) ang mga problema, mali, maliit na detalye at kung anu-ano pa. ito na ang tinatawag na mga “BUG”, na dapat solusyunan bago ang aktwal na implementasyon. sa prosesong iyon pa lang, matutukoy at maiiwasan na agad ang posibleng malaking problema.

pinaka-kritikal sa computerized election ay ang pagtransmit ng data. sinubukan ng comelec ang bagong sistema. {*nagkaproblema pa sa ilang presinto.*}. lumabas din yung issue tungkol sa celphone signal jammer. na maaaring gamitin ng mga “makukulit” para manabotahe. yung issue ng power outage. ayos lang kung ilang presinto lang e. paano kung libu-libo na ito at nagsabay-sabay ng magtransmit ng resulta ng eleksyon? yun na. doon na siguradong maglalabasan ang problema.

tingin ko mas magandang gawin muna ang automation ng eleksyon sa piling lugar. halimbawa sa maynila muna at sa piling probinsya. napaka-kritikal at nakakatakot na i-pursigi agad ang automation ng eleksyon sa buong bansa.

dito na pumapasok ang pamosong katagang “garbage in, garbage out!”. kayo na ang mag-isip kung ano ang kinalaman nun sa mga argumento patungkol sa automated election.

alangan pa rin..hmmm! sige na nga! boboto na ‘ko..

related link/s:

http://www.everyjoe.com/thegadgetblog/2010-automated-elections-in-the-philippines/

Advertisements