Archive for 2010 election

“paano pa-uunlarin ang pilipinas?”

Posted in Uncategorized with tags , on March 26, 2010 by apolseban

mahigit-kumulang dalawang buwan na lang, eleksyon na! sige na..oo na! boboto na’ko. medyo exciting kasi ang eleksyon, semi-automated. tsaka may presidente at bise-presidente na rin akong napili. huwag nyo ng tanungin kung sino sila. {*CLUE!*} oo di sila ganon ka-popular, pero may napatunayan na sila, base sa lugar na pinanggalingan nila. di man sila manalo, atleast masasabi ko na di nasayang ang boto ko.

since nung nag-umpisa na yung campaign period, dumami yung mga forum, special program sa TV at radio, maging sa internet na tumatalakay sa plataporma ng mga presidetiables. maraming significant na tanong. pero heto ang sa tingin kong pinakamalupit na tanong na maitatanong sa mga presidentiables:

“paano mo pa-uunlarin ang pilipinas?”

marami silang babanggiting plano at suhestyon. may pang-panahon pa ni kopong-kopong. may iyon at iyun din. may exciting at promising. at meron ding nakakabilib kahit papaano. pero ang pinakamalupit na sagot na narinig ko sa tanong na yan ay di nagmula sa mga presidentiables.

kasagsagan ng kampanya noon para sa 2004 Elections nang mapanood ko sa TV ang isang ginang sa isang ambush-interview sa kalye ng isang sikat na local tv network. ang tanong, “sino ang iboboto mong presidente na sa tingin mo ay magpapa-unlad ng pilipinas?”. sila GMA at FPJ ang mahigpit na magkalaban nun. silang dalawa ang kadalasang sagot ng mga naunang na-interview. sumagot ang ginang sa tanong:

“..kahit sino namang presidente ang manalo, kung di naman tayo magsisikap..di talaga uunlad ang pilipinas!..”

sapul! astig! napahanga ako ng ginang. tama s’ya. bakit mo nga naman iaasa sa kung sino mang uupo sa malacañang ang kakainin mo araw-araw? kung gusto nating umunlad, magsikap tayo. sipagan natin ang pagtatrabaho. gawin natin ang lahat ng ating makakaya para kumita ng marangal.

kung gusto mo nga naman ng pagbabago, kumilos ka! umpisahan mo sa sarili mo!

Advertisements

land of the political poster, tarpaulin and banner

Posted in Uncategorized with tags , , , , on January 19, 2010 by apolseban

ohoy! musta, mga pilosopo! long time no post. sino ba ang mapi-“pilosopo” ngayon? hmm…! hehe!

late december last year (2009) ng mapadpad akong muli sa cubao sa paghahanap ng matinong wind-breaker para sa mt.pulag climb namin nung first week ng january. on the way sa araneta center, habang nakasakay sa FX, makatawag-pansin sa mapanuri kong mata ang sangkaterbang poster, banner at tarpaulin ng mga local na pulitiko sa kahabaan ng P.Tuazon. “seasons greetings!”, “happy fiesta!”, “happy holidays!”, “disiplina ang kailangan..” (atleast, may moral lesson ang isang ‘to!), “chuva-chuva, ek-ek!”, yan ang mga banat ng halal na opisyal at mga nagbabalak tumakbo sa may 2010.

ah, mag-eelection na pala..

kagulat-gulat na di ka lalagpas ng 5 metro sa pagbaybay sa nasabing kalye ay makakakita ka ng mga “ads” nila. eto pa ang malupit, nagmistulang o dinaig pa ang mga banderitas sa fiesta kung tadtarin nila ng nasabing “ads” ang mga kanto at panulukan ng mga kalsada. sa poste, sa pader, sa dingding, sa kawad ng kuryente, lahat basta pwedeng paglagyan, pinatos ng mga mokong. napakagandang halimbawa! para kang nasa gubat.

sabagay, para nga naman bumango ka, samantalahin ang paggamit ng kung anu-anong medium.

mag-e-eleksyon na nga..


erap, makakatakbo ka pa ba?

Posted in Uncategorized with tags , , on August 27, 2009 by apolseban

paunawa: ang layunin ng blog post na ito ay maglahad ng mga kuro-kuro at pananaw na maaaring makapagbigay-linaw sa issue tungkol sa teknikalidad at legalidad kung pwede pa bang tumakbo si dating pangulong joseph estrada sa pagka-presidente sa 2010 Election. hindi nito layuning iindorso, ipromote o ikampanya si erap.

di man ito tuwirang sinasabi ni erap, karamihan sa mga pasaring nya tungkol sa bagay na ito at marami rin sa kanyang mga kaalyado ang nagsabi na malaki ang posibilidad na muling tumakbo sa pagka-presidente ang dating pangulo.

ayon sa 1987 Constitution, sa Article 7 Section 4:

Section 4. The President and the Vice-President shall be elected by direct vote of the people for a term of six years which shall begin at noon on the thirtieth day of June following the day of the election and shall end at noon of the same date six years thereafter. The President shall not be eligible for any re-election. No person who has succeeded as President and has served as such for more than four years shall be qualified for election to the same office at any time.”

i-slice natin ang mga pangungusap sa bahaging iyon ng batas:

1. “The President and the Vice-President shall be elected by direct vote of the people for a term of six years which shall begin at noon on the thirtieth day of June following the day of the election and shall end at noon of the same date six years thereafter.”

– tumagal lang ng halos 2 1/2 years ang term ni erap (June 30, 1998 – January 20, 2001). napatalsik sya (ousted) sa pwesto sa kalagitnaan ng EDSA 2 Revolution na nag-ugat sa kotrobersyal na impeachment trial sa mga paratang ng corruption, plunder at pagkakaroon ng mga sikretong account mula sa mga koleksyon sa jueteng* at tobacco excise tax.

sa unang sentence na ‘yon, wala pa ring tuwirang nabanggit na maaaring maging batayan sa legalidad ng muling pagtakbo ni erap.

2. “The President shall not be eligible for any re-election.”

– sa kaso ni GMA, hindi na talaga sya pwedeng tumakbo sa 2010 Election.
– sa kaso naman ni erap, hindi sya ang kasalukuyang presidente, dati syang presidente. medyo may lapse kasi ang statement na yon, sabi “The President..”, pwedeng ibig sabihin ay “Ang Pangulo..” o kasalukuyang pangulo (incumbent) ay di na umano maaaring muling tumakbo. hindi malinaw yung subject na kung kasama ba yung mga dating naging pangulo na nakatapos ng 6 years na term(eg.aquino at ramos) o yung naging pangulo na di umabot ng apat na taon yung termino(eg.erap).

3. “No person who has succeeded as President and has served as such for more than four years shall be qualified for election to the same office at any time.”

– sa kaso ni GMA, less than four years yung unang term nya (na supposedly ay tatapusin ni erap o unexpired term ni erap), yun ang naging batayan kaya muling nakatakbo si GMA sa nasabing posisyon at nanalo.
-sa kaso ni erap, ni hindi nga man lang umabot ng 3 years yung term nya.

dumako naman tayo sa pagkakapatalsik sa kanya sa pagkapresidente noong EDSA 2. hanggang ngayon, kinukwestyon pa rin ng kampo ni erap ang legalidad ng pagkakatalsik sa kanya at pag-upo ni gma sa pwesto. katwiran nya hindi niya voluntarily nilisan ang pwesto(presidency), pwersahan syang tinanggal dito. isa pa rin iyon sa mga isyung dapat ikonsidera sa planong iyon ni erap sa 2010 election.

magkaganon man, ang Korte Suprema pa rin talaga ang makakapagbigay ng kongkretong sagot sa isyung ito. at ito pa rin ang magiging pamantayan na dapat nating sundin.

*jueteng – (pronounced hwe-teng) is an illegal numbers game played in the Philippines. Jueteng originated from China and means “flower” (jue) and “bet” (teng).

heto, bonus video uli:

source/links:
http://www.gmanews.tv/story/170691/erap-9999-certain-of-presidential-bid-in-2010

http://en.wikisource.org/wiki/Constitution_of_the_Philippines_(1987)#Article_VII:_Executive_Department

http://en.wikipedia.org/wiki/Joseph_Estrada

eleksyon 2010

Posted in Uncategorized with tags , , , on August 21, 2009 by apolseban

ballotbox_sml

oi..ganon daw sila sa makati, sana ganon din daw sa buong pilipinas. sabi pa nung isa, ramdam nya raw tayo. oo ramdam namin yung pisngi mo, abot hanggang dito. yung isa pa, di raw sya trapo.. ha!!? talaga lang ha! naglalabasan na sa mga commercial sa TV yan. marami na rin sa kanila ang nagsabi na tatakbo sila. nga pala, eleksyon na naman pala sa may 2010. sino bang maibotong presidente? wala ka namang mapipiling maganda at karapatdapat na iboto sa mga naghahangad ng mataas na posisyon na yon e. di na lang ako boboto. ayoko kasing magsisi sa bandang huli. hmm..medyo matagal pa naman bago mag-may 2010 e. baka sakaling may mapusuan ako at magbago ang isip ko at bumoto.

*trapo – traditional politician

photo by:
http://www.learnnc.org/lp/media/uploads/2008/09/ballotbox.jpg