land of the political poster, tarpaulin and banner part 2

Posted in Uncategorized with tags , , on February 9, 2010 by apolseban

sabi ng isang napakalaking banner na nakasabit sa bagong-gawang footbridge:

“Maraming Salamat {*pangalan ng pulitiko*} sa kaloob mong Footbridge!”,

sabi ko:

“‘tang-ina mo!”

talagang di kinaya ng gapisi kong pasensya ang nakita ko habang papasok sa opisina. matatanggap ko pa siguro kung sinabi nyang, “Ang Footbridge na ito ay ipinatayo sa pamamahala ni…!”. kaso hindi. yang palabasin mo na ang dating ay nagpapasalamat pa kami sa pagpapatayo mo ng kung ano man, ay sa tingin ko ay di katanggap-tanggap. unang-una, hindi mo sariling pera ang ipinangpondo sa proyektong yan. pera ng taungbayan yan. kaya wala kang karapatan na ipamukha sa lahat na ikaw ang nagpagawa ng proyektong yan.

nung una akong nagkatrabaho at nakatanggap ng unang payslip, nagulat ako sa halagang kinaltas para sa TAX. napa-isip ako, “buwan-buwan akong kakaltasan ng ganito? nak ng..malaki pa sa minimum pay ‘to ah!” {*lumabas na agad ang pusong peyups! hehe!*} hirit pa ng dati kong katrabaho, “congratz pare! may karapatan ka ng magreklamo sa gobyerno!”. tama sya. hindi ko na bubusisiin kung saan napupunta yung mga buwis na kinakaltas sa sweldo ko. dahil sa hinaba-haba man ng daloy at diskusyon, isa lang ang babagsakan nyan. sa bulsa ng iilan.

wag na nating isipin yung halaga (naks! yaman!). nakaka-asar lang na isipin, na required kang magpalipad ng pera na babagsak sa bulsa ng mga buwaya.

Advertisements

erap: ang pagbabalik

Posted in Uncategorized with tags , , on February 3, 2010 by apolseban

yun na! nung jan.20, 2010, inanunsiyo na ng comelec ang pagpayag nilang muling tumakbo si erap sa may 2010 elections. ibinasura nila ang lahat ng (3 yata yun..) filed-disqualification case. saksi mismo si erap sa nasabing pagpapahayag ng comelec. gumawa pa ng eksena si “nuisance candidate” ely pamatong. {*grin*}

“..he is not an incumbent President intending to run for reelection.”, dahilan ng second division ng comelec.

tingin ko, lalong bibigat ang laban sa eleksyon. nawala man sa aktuwal na sirkulasyon ng pulitika, masasabi pa rin nating malaki ang impluwensiya ni erap sa karamihan ng isyung pulitikal na naganap. malaki pa rin ang hatak nya sa taungbayan. gumawa sya ng record ng manalo sa pagkapangulo noong 1998 elections.

hmm..di ako eksperto sa batas. hayaan na lang natin ang ating mga kababayan ang humusga.

read more..

battlefield: senate (part 2)

Posted in Uncategorized with tags , , , on January 27, 2010 by apolseban

kagabi, kumakain habang nanonood ng tv..

RUTH CABAL: Para sa GMA News, Ruth Cabal reporting.

MIKE ENRIQUEZ: (humirit) Ah, Ruth? May napagkayarian ba ang mga senador hinggil sa isyu ng “Double-Insertion” umano ni Senator Villar sa C5 project, Ruth?

RUTH CABAL: (napapangisi) Ah, Mike, hanggang sa mga oras na ito wala pa ring napagkakasunduan ang mga senador, Mike.

APOL: as usual..

‘tang-ina! nakakawalang-ganang kumain..

land of the political poster, tarpaulin and banner

Posted in Uncategorized with tags , , , , on January 19, 2010 by apolseban

ohoy! musta, mga pilosopo! long time no post. sino ba ang mapi-“pilosopo” ngayon? hmm…! hehe!

late december last year (2009) ng mapadpad akong muli sa cubao sa paghahanap ng matinong wind-breaker para sa mt.pulag climb namin nung first week ng january. on the way sa araneta center, habang nakasakay sa FX, makatawag-pansin sa mapanuri kong mata ang sangkaterbang poster, banner at tarpaulin ng mga local na pulitiko sa kahabaan ng P.Tuazon. “seasons greetings!”, “happy fiesta!”, “happy holidays!”, “disiplina ang kailangan..” (atleast, may moral lesson ang isang ‘to!), “chuva-chuva, ek-ek!”, yan ang mga banat ng halal na opisyal at mga nagbabalak tumakbo sa may 2010.

ah, mag-eelection na pala..

kagulat-gulat na di ka lalagpas ng 5 metro sa pagbaybay sa nasabing kalye ay makakakita ka ng mga “ads” nila. eto pa ang malupit, nagmistulang o dinaig pa ang mga banderitas sa fiesta kung tadtarin nila ng nasabing “ads” ang mga kanto at panulukan ng mga kalsada. sa poste, sa pader, sa dingding, sa kawad ng kuryente, lahat basta pwedeng paglagyan, pinatos ng mga mokong. napakagandang halimbawa! para kang nasa gubat.

sabagay, para nga naman bumango ka, samantalahin ang paggamit ng kung anu-anong medium.

mag-e-eleksyon na nga..


justice for the victims of maguindanao massacre

Posted in Uncategorized on November 26, 2009 by apolseban

di ako miyembro ng media. lalong di ako pulitiko. pero bilang mamamayan ng republikang ito, karapatan at obligasyon kong pangalagaan ang katahimikan at kaayusan ng ating lipunan. nakikiramay ako sa mga naulila ng mga inosenteng biktima at nakikiisa ako sa pagkondena sa brutal at madugong krimen na ito. patunay lang ito kung gaano kadugo ang pulitika sa bansa.

 

related story: (WARNING: contains graphic photos) http://ryanericsongcanlas.wordpress.com/2009/11/24/justice-for-maguindanao-massacre/

 

 

sino sa atin? (ang dapat sisihin..)

Posted in Uncategorized with tags , , , , on October 14, 2009 by apolseban

related story:  “ondoy, lupit mo dude! Natulog akong basa brief ko!”  (ondoy’s aftermath)

sabi nga ng gasgas na kasabihan: “laging nasa huli ang pagsisisi”. pero sino nga ba? di ito ang tamang oras para magsisihan, pero sa isang banda, dapat din nating malaman kung saan tayo nagkamali. alangan namang sisihin natin si ondoy. walang dapat sisihin kungdi tayong lahat. lahat tayo nagkamali at nagkulang.

matagal na tayong mulat sa panganib na dala ng bagyo, flash-floods at landslides. matagal na tayong nakakaranas ng ganito. ang masakit, paulit-ulit na lang. “ningas-cogon”. magaling lang tayo sa umpisa. pag nandyan pa ang damdaming nag-aalab ng pagbabago, sige tayo ng sige sa pagpapahayag ng mga hakbang para maiwasan ang malaking pinsala mula sa mga ganitong sakuna. pero hanggang doon lang yon. madali kasi tayong makalimot. pinoy tayo e. pag lipas ng panahon, kahit nga konting panahon lang, limot na natin ang mga ito. ipinagwawalang-bahala na ulit natin.

noong 1920’s isang amerikanong engineer ang nakakita na ng panganib na ito ng pagbaha sa mababang lugar sa maynila. may plano na rin noong 1970’s ng improvement ng drainage system at water ways sa maynila at spill way ng laguna lake. nandyan na dati pa ang mga plano. nariyan lang ang mga pag-aaral ng mga dalubhasa nating kababayan. pero bakit hanggang ngayon nananatili ang mga yan sa bookshelves at inaamag sa loob ng mga folder? ah oo nga pala pinoy tayo.

(to be continued)

 

 

battlefield: senate

Posted in Uncategorized on September 24, 2009 by apolseban

pag naririnig ko ang salitang “senado”, dalawa lang ang pumapasok sa kukote ko:

1. ang walang kamatayang “probing” o imbestigasyon sa kung anuman na wala rin namang pinatutunguhan. paborito nilang imbestigahan ang mga scandal, lalo na ng mga artista.

2. ang walang katapusang labasan nila ng baho sa isat-isa at ng kung sinu-sino pang government officials.

ganyan daw talaga ang pulitika. pero ibahin nyo sa pilipinas. parang *sarswela ang pulitika at ang senado o kamara ang entablado. siyempre ang mga senador at kogresista ang mga artista. inaabangan ng buong bayan yan dahil talaga nga namang nakaka-hook.

pinapasahod ba natin sila para lang magbangayan at magpasikatan? ang daming pwedeng asikasuhin..ah..medyo iibahin ko yung statement na yon. ang dami nilang dapat trabahuhin bilang mga halal na opisyal na bayan tapos uubusin lang nila ang oras nila sa mga walang katapusang exposé kuno. hay…! mga trapo nga naman! umayos kayo!

*http://tl.wikipedia.org/wiki/Sarswela