Archive for the Uncategorized Category

timeline ng isang kapanapanabik na sarsuela..

Posted in Uncategorized with tags , , , , on February 28, 2012 by apolseban

2004 – ipinanganak si facebook, kinakabahan na si friendster..

2010 – naging presidente si pnoy..

march 2011 – in-impeach si ombudsman merceditas gutierrez. pero di gumulong ang paglilitis sa senado. nag-resign si gutierrez. /*delicadeza?*/

oct. 2011 – nilagay ng doj sa watchlist si gma. para di maka-puga.

nov. 15, 2011 – naglabas ng TRO ang korte suprema kontra sa paglalagay ng doj sa watchlist kay arroyo. /*umpisa na ng banggaan..*/

kinagabihan, sinubukan nila arroyo na maka-alis ng bansa. agad silang hinarang ng immigration sa utos na rin ng doj. di sila naka-alis, balik st.luke’s hospital si arroyo.

nov. 25, 2011 – nag-file na ng kaso ang comelec laban kay arroyo sa bintang na electoral sabotage. kasalukuyan syang naka-hospital arrest.

dec.2011 – nag-file ng impeachment complaint ang kongreso laban kay chief justice corona.

jan.2012 – umpisa na ng impeachment trial, daming nagpapa-pogi, na-high blood si senador defensor. tuloy pa rin ang hearing.

may 2013 – election na naman..

na-miss ko ang mamilosopo..

Posted in Uncategorized with tags on March 22, 2011 by apolseban

ayun.. magandang araw sa inyong lahat! medyo naging busy kaya wala gaanong namimilosopong post. ano na ba nangyayari sa pinas lately? teka ang dami..hintay lang sa pagpapatuloy ng mapilosopong post.

the quirino grandstand hostage-taking incident

Posted in Uncategorized with tags , on August 27, 2010 by apolseban

sa kasagsagan ng hostage drama sa quirino grandstand noong nakaraang lunes, August 23, 2010, sabi sa isang lokal na TV network:

“HOSTAGE-TAKER, NABARIL NA.

MGA USISERO NAGLAPITAN NA SA BUS.”

tang-ina! pinatay ko yung TV!

dilaw

Posted in Uncategorized with tags , , , on July 1, 2010 by apolseban

kahapon, june 30, 2010, nanumpa na si president-elect noynoy at si vice-president-elect binay. di ko sila parehong binoto. lalong di ko sasabihing gusto ko sila. pero yun ang gusto ng nakakaraming pilipino (yung mga bumoto sa kanila), iginagalang ko yun. dahil iyon ang diwa ng demokrasya. umalingawngaw na naman ang mga pangako. ewan ko lang kung sawa na ang mga mahihirap nating kababayan o manhid na tayo dito. huwag naman sana.

sa bago nating administrasyon, binabati namin kayo. gampanan nyo sana ng tapat, responsable at ng may buong puso ang inaatang na posisyon sa inyo.

sa hinaba-haba man daw ng pila..sa balota pa rin ang tuloy..vote wisely..

Posted in Uncategorized with tags , , on May 12, 2010 by apolseban

isang araw ng pakikipagsapalaran para makaboto

may 10, 2010

5:30 AM – maagang nagising, kumain ng breakfast, nag-facebook(hehe!)..

6:30 AM – maagang naligo..

7:00 AM – nagbihis, nag-isip..hmmm..ano bang magawa ngayon? ah maglalaba pala ako. ilang araw din akong wala sa bahay dahil sa sunod-sunod na lingguhang gala. madami akong labahin. may pumasok sa kukote ko. medyo na-excite..election nga pala ngayon. napa-isip na naman..maglalaba ba ako o boboto? boboto ako.. makaboto na ng maaga para matapos agad at maka-uwi. ipagpapalit ko ang maraming labada sa karapatan kong bumoto.

8:00 AM – dumating ako sa aking sintang paaralan (Guitnangbayan Elementary School). alam ko na ang presinto ko, Precint 10B. madali ko itong natunton, salamat na lang sa malaking mapa sa harap ng paaralan. madami ng tao. nakipagsiksikan ako para malaman ang number ko sa listahan ng mga botante sa nasabing presinto. number 154 ako. may tumawag sa akin. si tatay, nasa loob ng classroom/”waiting-area”-kuno. pareho kami ng presinto. madami na sila sa loob na naghihintay papuntahin sa classroom kung nasaan ang PCOS machine para bumoto. kukuha daw ng papel na stab na kulay blue dun sa babae na nakaupo sa harap ng pinto ng classroom, na sa tingin ko ay kinuhang tauhan ng comelec. kay haba ng pila papunta sa kanya. pumila ako. siguro pang-80 ako sa pila. waaahhh!

8:30 AM – sa wakas..nakakuha rin ako ng blue na stab. nakasulat, precint no.:10B, tapos 154 na may bilog, yung number ko sa masterlist. pwede na akong pumasok sa “waiting-area” {<–read as talipapa}. putek! lalong dumami ang tao. halos 200 na katao na kaming nagsisiksikan sa puputok ng classroom na yon. nag-uumpisa ng uminit ang ulo ng mga kapitbahay ko.

ang siste: tatawag ang BEI ng 10 katao sa waiting area para pumunta sa “voting-room” kung nasaan ang PCOS machine para bumoto.

9:00 AM – lalong dumami ang mga tao. mainit na talaga ang ulo ng mga kapit-bahay ko. may nadiskubre pa kaming mumunting hokus-pokus. sumisingit yung iba na medyo malakas sa mga volunteers at watcher na nangangasiwa-kuno. dito na nagwala ang mga kapit-bahay ko. nagpalabas na ng barrage ng maanghang na salita na nagpatameme sa mga makukulit. saya.. di kayo uubra sa mga kapitbahay namin noh..kung komprontasyon lang rin naman.

10:00 AM – di pa rin ako nakakalapit sa PCOS machine. naggala muna ako sa paligid ng paaralan. ganung-ganong eksena ang makikita mo kahit saan. siksikang classroom, nagngingitngit na botante na pumuputi na ang mata sa kahihintay, mayayabang at barubal na watcher at volunteers at kung anu-ano pa.

10:05 AM – nagpasya na akong umuwi. ang iksi talaga ng pasensiya ko sa mga sistemang bulok at red tape.

10:30 AM – dumating ng bahay. nag-facebook(hehe)..

12:00 PM – kumain ng lunch..

1:00 PM – bumalik ako sa GBES..susubukan kong muli ang kapalaran kong makaboto. hayun! medyo kaunti na ang tao. dali akong lumapit sa BEI, inabot yung stab at nagpalusot na nalagpasan yung number ko(76) dahil umuwi ako at kumain lang. mabilis nya namang hinanap ang pangalan ko sa master list. humingi ng ID, pinapirma, nag-thumb mark tapos inabot na sa akin ang mahabang-mahabang balota at pang-shade na pen. umupo ako sa isang upuan at inumpisahang magshade:

1 presidente
1 bise-presidente
3 senador
1 congressman
1 partylist
1 gobernador
0 bise-gobernador (wala akong kilala e..)
1 bokal
1 alkalde
0 bse-alkalde (wala rin akong kilala e..)
1 konsehal

after 1 minute, tapos na ako. 15 seconds binasa nung PCOS machine ang balota ko. yun counted! haay! hello, indelible ink!

nakaboto rin..

“paano pa-uunlarin ang pilipinas?”

Posted in Uncategorized with tags , on March 26, 2010 by apolseban

mahigit-kumulang dalawang buwan na lang, eleksyon na! sige na..oo na! boboto na’ko. medyo exciting kasi ang eleksyon, semi-automated. tsaka may presidente at bise-presidente na rin akong napili. huwag nyo ng tanungin kung sino sila. {*CLUE!*} oo di sila ganon ka-popular, pero may napatunayan na sila, base sa lugar na pinanggalingan nila. di man sila manalo, atleast masasabi ko na di nasayang ang boto ko.

since nung nag-umpisa na yung campaign period, dumami yung mga forum, special program sa TV at radio, maging sa internet na tumatalakay sa plataporma ng mga presidetiables. maraming significant na tanong. pero heto ang sa tingin kong pinakamalupit na tanong na maitatanong sa mga presidentiables:

“paano mo pa-uunlarin ang pilipinas?”

marami silang babanggiting plano at suhestyon. may pang-panahon pa ni kopong-kopong. may iyon at iyun din. may exciting at promising. at meron ding nakakabilib kahit papaano. pero ang pinakamalupit na sagot na narinig ko sa tanong na yan ay di nagmula sa mga presidentiables.

kasagsagan ng kampanya noon para sa 2004 Elections nang mapanood ko sa TV ang isang ginang sa isang ambush-interview sa kalye ng isang sikat na local tv network. ang tanong, “sino ang iboboto mong presidente na sa tingin mo ay magpapa-unlad ng pilipinas?”. sila GMA at FPJ ang mahigpit na magkalaban nun. silang dalawa ang kadalasang sagot ng mga naunang na-interview. sumagot ang ginang sa tanong:

“..kahit sino namang presidente ang manalo, kung di naman tayo magsisikap..di talaga uunlad ang pilipinas!..”

sapul! astig! napahanga ako ng ginang. tama s’ya. bakit mo nga naman iaasa sa kung sino mang uupo sa malacaƱang ang kakainin mo araw-araw? kung gusto nating umunlad, magsikap tayo. sipagan natin ang pagtatrabaho. gawin natin ang lahat ng ating makakaya para kumita ng marangal.

kung gusto mo nga naman ng pagbabago, kumilos ka! umpisahan mo sa sarili mo!

theory of automata

Posted in Uncategorized with tags , , on February 24, 2010 by apolseban

(smartmatic’s pcos(precint count optical scanner) machine)

dahil sa blog title, naalala ko tuloy yung instructor namin nung college at ang pamoso nyang pagpapamudmod ng xerox copy ng lesson nya kada meeting. na sa bandang huli ay may bayad pala..hehe! uy! chismis!

exciting ang election ngayong may 2010. partially-automated na! naks! umaasenso na ang pinas. “partially” kasi manual pa rin yung voting process. pipili ang botante ng napupusuan nyang kandidato, tapos lalagyan nya ng shade ang bilog sa tapat nito. wala na ang manual na pagsulat sa balota na isa rin sa nagpapagulo at nagpapabagal sa resulta ng eleksyon. naka-print na kasi sa balota ang lahat ng pangalan ng national hanggang local na mga kandidato. tapos, ipapasok ito sa counting-machine (“people’s machine”) para i-tally at masama sa bilang ng lahat ng mga boto. wala na ang magdamagang pagpaparusa sa mga mahal nating mga guro, na di magkanda-ugaga sa pagbabasa at pagbigkas ng malakas ng pangalan ng mga kandidatong binoto ng isang partikular na botante. mawawala na rin ang “tally-system” na pagsulat sa election returns ng mga guhit (na kumakatawan sa bilang ng boto) na sa minalas-malas ay madalas na inaabot ng hating-gabi, minsan madaling araw pa. hindi na rin sila babyahe sa paghatid ng mga ito sa munisipyo, na kadalasan ay naghahatid pa ng panganib sa mga mahal nating teacher.

sa mga manual na prosesong nabanggit, dyan na umeeksena ang mga “magician” para gawin ang mga “hokus-pokus” para mabago ang resulta ng eleksyon. ang pamosong “dagdag-bawas”, mga nagiging invisible na election returns at kung anu-ano pa.

sa may 2010 election, automatic na ang pagbibilang ng mga boto na magpapabilis sa resulta ng eleksyon. ayon sa comelec, within hours, matapos ang eleksyon, malalaman na ang resulta sa mga lokal na posisyon. within days or week (worse case scenario na raw yun pag inabot na ng ilang linggo!), alam na ang resulta sa national level. astig kung ganon!

ano ang masasabi ng pilosopo sa isyung ito? {*hmmm!*}

ok sige, mula ito sa point of view ko bilang isang alagad ng information technology. nakz! haha! maraming factor ang dapat i-consider bago mo i-computerized ang isang manual na proseso. {*di ako magpapaka-teknikal para ipaliwanag at isa-isahin ang mga yun, dahil ilang sem din yun sa college, hehe! babanggitin ko lang yung mga related sa isyu ng computerized election.*}. sa tingin ko, eto ang mga bagay na dapat nating ikunsidera:

1. teknolohiya – solved na ang isyung ito. may kontrata na ang comelec sa smartmatic. dito na rin pumapasok ang isyu sa halaga ng gastos na di ko na rin bubusisiin dahil napakahabang diskusyon nun.

2. tao – alam na ba lahat ng botanteng pinoy ang tungkol dito at kung ano ang gagawin nila sa oras ng pagboto? dapat ay may kongkretong programa ang comelec para ipaliwanag at ituro ito sa lahat ng botanteng pinoy.

3. sistema – heto na! tingin ko ito na ang pinakakritikal na parte. pihadong dumaan sa masusi at siyentipikong pag-aaral ang comelec bago ang implementasyon ng computerized election. oras na ng implementation. sa aspeto ng computer scince, ang implementation ay dapat partially o baha-bahagi. sisimulan ito sa maliit na bahagi. magkakaroon ng dry-run o pag-subok sa bagong sistema (testing stage). dito na maglalabasan (kung meron man) ang mga problema, mali, maliit na detalye at kung anu-ano pa. ito na ang tinatawag na mga “BUG”, na dapat solusyunan bago ang aktwal na implementasyon. sa prosesong iyon pa lang, matutukoy at maiiwasan na agad ang posibleng malaking problema.

pinaka-kritikal sa computerized election ay ang pagtransmit ng data. sinubukan ng comelec ang bagong sistema. {*nagkaproblema pa sa ilang presinto.*}. lumabas din yung issue tungkol sa celphone signal jammer. na maaaring gamitin ng mga “makukulit” para manabotahe. yung issue ng power outage. ayos lang kung ilang presinto lang e. paano kung libu-libo na ito at nagsabay-sabay ng magtransmit ng resulta ng eleksyon? yun na. doon na siguradong maglalabasan ang problema.

tingin ko mas magandang gawin muna ang automation ng eleksyon sa piling lugar. halimbawa sa maynila muna at sa piling probinsya. napaka-kritikal at nakakatakot na i-pursigi agad ang automation ng eleksyon sa buong bansa.

dito na pumapasok ang pamosong katagang “garbage in, garbage out!”. kayo na ang mag-isip kung ano ang kinalaman nun sa mga argumento patungkol sa automated election.

alangan pa rin..hmmm! sige na nga! boboto na ‘ko..

related link/s:

http://www.everyjoe.com/thegadgetblog/2010-automated-elections-in-the-philippines/