land of the political poster, tarpaulin and banner part 2

sabi ng isang napakalaking banner na nakasabit sa bagong-gawang footbridge:

“Maraming Salamat {*pangalan ng pulitiko*} sa kaloob mong Footbridge!”,

sabi ko:

“‘tang-ina mo!”

talagang di kinaya ng gapisi kong pasensya ang nakita ko habang papasok sa opisina. matatanggap ko pa siguro kung sinabi nyang, “Ang Footbridge na ito ay ipinatayo sa pamamahala ni…!”. kaso hindi. yang palabasin mo na ang dating ay nagpapasalamat pa kami sa pagpapatayo mo ng kung ano man, ay sa tingin ko ay di katanggap-tanggap. unang-una, hindi mo sariling pera ang ipinangpondo sa proyektong yan. pera ng taungbayan yan. kaya wala kang karapatan na ipamukha sa lahat na ikaw ang nagpagawa ng proyektong yan.

nung una akong nagkatrabaho at nakatanggap ng unang payslip, nagulat ako sa halagang kinaltas para sa TAX. napa-isip ako, “buwan-buwan akong kakaltasan ng ganito? nak ng..malaki pa sa minimum pay ‘to ah!” {*lumabas na agad ang pusong peyups! hehe!*} hirit pa ng dati kong katrabaho, “congratz pare! may karapatan ka ng magreklamo sa gobyerno!”. tama sya. hindi ko na bubusisiin kung saan napupunta yung mga buwis na kinakaltas sa sweldo ko. dahil sa hinaba-haba man ng daloy at diskusyon, isa lang ang babagsakan nyan. sa bulsa ng iilan.

wag na nating isipin yung halaga (naks! yaman!). nakaka-asar lang na isipin, na required kang magpalipad ng pera na babagsak sa bulsa ng mga buwaya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: