Archive for January, 2010

battlefield: senate (part 2)

Posted in Uncategorized with tags , , , on January 27, 2010 by apolseban

kagabi, kumakain habang nanonood ng tv..

RUTH CABAL: Para sa GMA News, Ruth Cabal reporting.

MIKE ENRIQUEZ: (humirit) Ah, Ruth? May napagkayarian ba ang mga senador hinggil sa isyu ng “Double-Insertion” umano ni Senator Villar sa C5 project, Ruth?

RUTH CABAL: (napapangisi) Ah, Mike, hanggang sa mga oras na ito wala pa ring napagkakasunduan ang mga senador, Mike.

APOL: as usual..

‘tang-ina! nakakawalang-ganang kumain..

Advertisements

land of the political poster, tarpaulin and banner

Posted in Uncategorized with tags , , , , on January 19, 2010 by apolseban

ohoy! musta, mga pilosopo! long time no post. sino ba ang mapi-“pilosopo” ngayon? hmm…! hehe!

late december last year (2009) ng mapadpad akong muli sa cubao sa paghahanap ng matinong wind-breaker para sa mt.pulag climb namin nung first week ng january. on the way sa araneta center, habang nakasakay sa FX, makatawag-pansin sa mapanuri kong mata ang sangkaterbang poster, banner at tarpaulin ng mga local na pulitiko sa kahabaan ng P.Tuazon. “seasons greetings!”, “happy fiesta!”, “happy holidays!”, “disiplina ang kailangan..” (atleast, may moral lesson ang isang ‘to!), “chuva-chuva, ek-ek!”, yan ang mga banat ng halal na opisyal at mga nagbabalak tumakbo sa may 2010.

ah, mag-eelection na pala..

kagulat-gulat na di ka lalagpas ng 5 metro sa pagbaybay sa nasabing kalye ay makakakita ka ng mga “ads” nila. eto pa ang malupit, nagmistulang o dinaig pa ang mga banderitas sa fiesta kung tadtarin nila ng nasabing “ads” ang mga kanto at panulukan ng mga kalsada. sa poste, sa pader, sa dingding, sa kawad ng kuryente, lahat basta pwedeng paglagyan, pinatos ng mga mokong. napakagandang halimbawa! para kang nasa gubat.

sabagay, para nga naman bumango ka, samantalahin ang paggamit ng kung anu-anong medium.

mag-e-eleksyon na nga..