sino sa atin? (ang dapat sisihin..)

related story:  “ondoy, lupit mo dude! Natulog akong basa brief ko!”  (ondoy’s aftermath)

sabi nga ng gasgas na kasabihan: “laging nasa huli ang pagsisisi”. pero sino nga ba? di ito ang tamang oras para magsisihan, pero sa isang banda, dapat din nating malaman kung saan tayo nagkamali. alangan namang sisihin natin si ondoy. walang dapat sisihin kungdi tayong lahat. lahat tayo nagkamali at nagkulang.

matagal na tayong mulat sa panganib na dala ng bagyo, flash-floods at landslides. matagal na tayong nakakaranas ng ganito. ang masakit, paulit-ulit na lang. “ningas-cogon”. magaling lang tayo sa umpisa. pag nandyan pa ang damdaming nag-aalab ng pagbabago, sige tayo ng sige sa pagpapahayag ng mga hakbang para maiwasan ang malaking pinsala mula sa mga ganitong sakuna. pero hanggang doon lang yon. madali kasi tayong makalimot. pinoy tayo e. pag lipas ng panahon, kahit nga konting panahon lang, limot na natin ang mga ito. ipinagwawalang-bahala na ulit natin.

noong 1920’s isang amerikanong engineer ang nakakita na ng panganib na ito ng pagbaha sa mababang lugar sa maynila. may plano na rin noong 1970’s ng improvement ng drainage system at water ways sa maynila at spill way ng laguna lake. nandyan na dati pa ang mga plano. nariyan lang ang mga pag-aaral ng mga dalubhasa nating kababayan. pero bakit hanggang ngayon nananatili ang mga yan sa bookshelves at inaamag sa loob ng mga folder? ah oo nga pala pinoy tayo.

(to be continued)

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: