Archive for September, 2009

battlefield: senate

Posted in Uncategorized on September 24, 2009 by apolseban

pag naririnig ko ang salitang “senado”, dalawa lang ang pumapasok sa kukote ko:

1. ang walang kamatayang “probing” o imbestigasyon sa kung anuman na wala rin namang pinatutunguhan. paborito nilang imbestigahan ang mga scandal, lalo na ng mga artista.

2. ang walang katapusang labasan nila ng baho sa isat-isa at ng kung sinu-sino pang government officials.

ganyan daw talaga ang pulitika. pero ibahin nyo sa pilipinas. parang *sarswela ang pulitika at ang senado o kamara ang entablado. siyempre ang mga senador at kogresista ang mga artista. inaabangan ng buong bayan yan dahil talaga nga namang nakaka-hook.

pinapasahod ba natin sila para lang magbangayan at magpasikatan? ang daming pwedeng asikasuhin..ah..medyo iibahin ko yung statement na yon. ang dami nilang dapat trabahuhin bilang mga halal na opisyal na bayan tapos uubusin lang nila ang oras nila sa mga walang katapusang exposé kuno. hay…! mga trapo nga naman! umayos kayo!

*http://tl.wikipedia.org/wiki/Sarswela