erap, makakatakbo ka pa ba?

paunawa: ang layunin ng blog post na ito ay maglahad ng mga kuro-kuro at pananaw na maaaring makapagbigay-linaw sa issue tungkol sa teknikalidad at legalidad kung pwede pa bang tumakbo si dating pangulong joseph estrada sa pagka-presidente sa 2010 Election. hindi nito layuning iindorso, ipromote o ikampanya si erap.

di man ito tuwirang sinasabi ni erap, karamihan sa mga pasaring nya tungkol sa bagay na ito at marami rin sa kanyang mga kaalyado ang nagsabi na malaki ang posibilidad na muling tumakbo sa pagka-presidente ang dating pangulo.

ayon sa 1987 Constitution, sa Article 7 Section 4:

Section 4. The President and the Vice-President shall be elected by direct vote of the people for a term of six years which shall begin at noon on the thirtieth day of June following the day of the election and shall end at noon of the same date six years thereafter. The President shall not be eligible for any re-election. No person who has succeeded as President and has served as such for more than four years shall be qualified for election to the same office at any time.”

i-slice natin ang mga pangungusap sa bahaging iyon ng batas:

1. “The President and the Vice-President shall be elected by direct vote of the people for a term of six years which shall begin at noon on the thirtieth day of June following the day of the election and shall end at noon of the same date six years thereafter.”

– tumagal lang ng halos 2 1/2 years ang term ni erap (June 30, 1998 – January 20, 2001). napatalsik sya (ousted) sa pwesto sa kalagitnaan ng EDSA 2 Revolution na nag-ugat sa kotrobersyal na impeachment trial sa mga paratang ng corruption, plunder at pagkakaroon ng mga sikretong account mula sa mga koleksyon sa jueteng* at tobacco excise tax.

sa unang sentence na ‘yon, wala pa ring tuwirang nabanggit na maaaring maging batayan sa legalidad ng muling pagtakbo ni erap.

2. “The President shall not be eligible for any re-election.”

– sa kaso ni GMA, hindi na talaga sya pwedeng tumakbo sa 2010 Election.
– sa kaso naman ni erap, hindi sya ang kasalukuyang presidente, dati syang presidente. medyo may lapse kasi ang statement na yon, sabi “The President..”, pwedeng ibig sabihin ay “Ang Pangulo..” o kasalukuyang pangulo (incumbent) ay di na umano maaaring muling tumakbo. hindi malinaw yung subject na kung kasama ba yung mga dating naging pangulo na nakatapos ng 6 years na term(eg.aquino at ramos) o yung naging pangulo na di umabot ng apat na taon yung termino(eg.erap).

3. “No person who has succeeded as President and has served as such for more than four years shall be qualified for election to the same office at any time.”

– sa kaso ni GMA, less than four years yung unang term nya (na supposedly ay tatapusin ni erap o unexpired term ni erap), yun ang naging batayan kaya muling nakatakbo si GMA sa nasabing posisyon at nanalo.
-sa kaso ni erap, ni hindi nga man lang umabot ng 3 years yung term nya.

dumako naman tayo sa pagkakapatalsik sa kanya sa pagkapresidente noong EDSA 2. hanggang ngayon, kinukwestyon pa rin ng kampo ni erap ang legalidad ng pagkakatalsik sa kanya at pag-upo ni gma sa pwesto. katwiran nya hindi niya voluntarily nilisan ang pwesto(presidency), pwersahan syang tinanggal dito. isa pa rin iyon sa mga isyung dapat ikonsidera sa planong iyon ni erap sa 2010 election.

magkaganon man, ang Korte Suprema pa rin talaga ang makakapagbigay ng kongkretong sagot sa isyung ito. at ito pa rin ang magiging pamantayan na dapat nating sundin.

*jueteng – (pronounced hwe-teng) is an illegal numbers game played in the Philippines. Jueteng originated from China and means “flower” (jue) and “bet” (teng).

heto, bonus video uli:

source/links:
http://www.gmanews.tv/story/170691/erap-9999-certain-of-presidential-bid-in-2010

http://en.wikisource.org/wiki/Constitution_of_the_Philippines_(1987)#Article_VII:_Executive_Department

http://en.wikipedia.org/wiki/Joseph_Estrada

Advertisements

One Response to “erap, makakatakbo ka pa ba?”

  1. ERAP BINAY kami dito sa Buo REGION VIII, IPAGPATULOY nyo po ang laban! alam namin sa ngayon na mas totoo kang tao kaysa kanila!

    fertilizer fund
    ZTE
    hello garci
    MILITARY abuses from chain of command
    NATURAL GAS sa taxi na BAN sa ibang bansa, madami nagkakasakit
    jueteng lord hinde kinulong si ERAP kinulong.
    crisis sa CUSTOM dami apektado sinolo ng pamilya ni lola
    LACSON nagtago na
    maawa naman kayo sa tao bayan, madami nagugutom. kayo lang ang nakikinabang na dapat tao bayan………

    matakot naman kayo sa diyos!!!!
    ang diyos ang pumapatay ng katawan, esperitu at kaluluwa.
    walang silbi mabuhay sa mundo kung nagawa’y puro kasalanan
    busog kayo sa pamamagitan ng masama gawa,
    magkitakita nalang kayo ni lazarus sa kabilang buhay…..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: