Archive for August, 2009

erap, makakatakbo ka pa ba?

Posted in Uncategorized with tags , , on August 27, 2009 by apolseban

paunawa: ang layunin ng blog post na ito ay maglahad ng mga kuro-kuro at pananaw na maaaring makapagbigay-linaw sa issue tungkol sa teknikalidad at legalidad kung pwede pa bang tumakbo si dating pangulong joseph estrada sa pagka-presidente sa 2010 Election. hindi nito layuning iindorso, ipromote o ikampanya si erap.

di man ito tuwirang sinasabi ni erap, karamihan sa mga pasaring nya tungkol sa bagay na ito at marami rin sa kanyang mga kaalyado ang nagsabi na malaki ang posibilidad na muling tumakbo sa pagka-presidente ang dating pangulo.

ayon sa 1987 Constitution, sa Article 7 Section 4:

Section 4. The President and the Vice-President shall be elected by direct vote of the people for a term of six years which shall begin at noon on the thirtieth day of June following the day of the election and shall end at noon of the same date six years thereafter. The President shall not be eligible for any re-election. No person who has succeeded as President and has served as such for more than four years shall be qualified for election to the same office at any time.”

i-slice natin ang mga pangungusap sa bahaging iyon ng batas:

1. “The President and the Vice-President shall be elected by direct vote of the people for a term of six years which shall begin at noon on the thirtieth day of June following the day of the election and shall end at noon of the same date six years thereafter.”

– tumagal lang ng halos 2 1/2 years ang term ni erap (June 30, 1998 – January 20, 2001). napatalsik sya (ousted) sa pwesto sa kalagitnaan ng EDSA 2 Revolution na nag-ugat sa kotrobersyal na impeachment trial sa mga paratang ng corruption, plunder at pagkakaroon ng mga sikretong account mula sa mga koleksyon sa jueteng* at tobacco excise tax.

sa unang sentence na ‘yon, wala pa ring tuwirang nabanggit na maaaring maging batayan sa legalidad ng muling pagtakbo ni erap.

2. “The President shall not be eligible for any re-election.”

– sa kaso ni GMA, hindi na talaga sya pwedeng tumakbo sa 2010 Election.
– sa kaso naman ni erap, hindi sya ang kasalukuyang presidente, dati syang presidente. medyo may lapse kasi ang statement na yon, sabi “The President..”, pwedeng ibig sabihin ay “Ang Pangulo..” o kasalukuyang pangulo (incumbent) ay di na umano maaaring muling tumakbo. hindi malinaw yung subject na kung kasama ba yung mga dating naging pangulo na nakatapos ng 6 years na term(eg.aquino at ramos) o yung naging pangulo na di umabot ng apat na taon yung termino(eg.erap).

3. “No person who has succeeded as President and has served as such for more than four years shall be qualified for election to the same office at any time.”

– sa kaso ni GMA, less than four years yung unang term nya (na supposedly ay tatapusin ni erap o unexpired term ni erap), yun ang naging batayan kaya muling nakatakbo si GMA sa nasabing posisyon at nanalo.
-sa kaso ni erap, ni hindi nga man lang umabot ng 3 years yung term nya.

dumako naman tayo sa pagkakapatalsik sa kanya sa pagkapresidente noong EDSA 2. hanggang ngayon, kinukwestyon pa rin ng kampo ni erap ang legalidad ng pagkakatalsik sa kanya at pag-upo ni gma sa pwesto. katwiran nya hindi niya voluntarily nilisan ang pwesto(presidency), pwersahan syang tinanggal dito. isa pa rin iyon sa mga isyung dapat ikonsidera sa planong iyon ni erap sa 2010 election.

magkaganon man, ang Korte Suprema pa rin talaga ang makakapagbigay ng kongkretong sagot sa isyung ito. at ito pa rin ang magiging pamantayan na dapat nating sundin.

*jueteng – (pronounced hwe-teng) is an illegal numbers game played in the Philippines. Jueteng originated from China and means “flower” (jue) and “bet” (teng).

heto, bonus video uli:

source/links:
http://www.gmanews.tv/story/170691/erap-9999-certain-of-presidential-bid-in-2010

http://en.wikisource.org/wiki/Constitution_of_the_Philippines_(1987)#Article_VII:_Executive_Department

http://en.wikipedia.org/wiki/Joseph_Estrada

Advertisements

eleksyon 2010

Posted in Uncategorized with tags , , , on August 21, 2009 by apolseban

ballotbox_sml

oi..ganon daw sila sa makati, sana ganon din daw sa buong pilipinas. sabi pa nung isa, ramdam nya raw tayo. oo ramdam namin yung pisngi mo, abot hanggang dito. yung isa pa, di raw sya trapo.. ha!!? talaga lang ha! naglalabasan na sa mga commercial sa TV yan. marami na rin sa kanila ang nagsabi na tatakbo sila. nga pala, eleksyon na naman pala sa may 2010. sino bang maibotong presidente? wala ka namang mapipiling maganda at karapatdapat na iboto sa mga naghahangad ng mataas na posisyon na yon e. di na lang ako boboto. ayoko kasing magsisi sa bandang huli. hmm..medyo matagal pa naman bago mag-may 2010 e. baka sakaling may mapusuan ako at magbago ang isip ko at bumoto.

*trapo – traditional politician

photo by:
http://www.learnnc.org/lp/media/uploads/2008/09/ballotbox.jpg

tita cory

Posted in Uncategorized with tags , on August 4, 2009 by apolseban

sabi ng the jerks:

“edsa ng pagbabago..saan? kailan? kanino..?”

5 years old ako nung nag-EDSA Revolution nung 1986, wala pa akong kamuwang-muwang noon. ang natatandaan ko lang noon, nagkalat ang tao sa kalye. may namimigay ng cory t-shirt at kung anu-anong babasahin. pero ang di ko makalimutan noon ay yung kulay dilaw na malaking “Laban” sign-glove ba yon na isusuot mo sa kamay mo para kitang-kita sa malayo at yung mga button pins na siyempre kulay dilaw din. gusto kong magkaroon non dati, hehe!

naintindihan ko na lang ang lahat ng pangyayari nung nag-high school na ako. sa textbook, sa mga kwento ng mga matatanda, na-browse sa internet at kung anu-ano pa. hindi ko sasabihing gusto ko si cory, lalong hindi ako magpapaka-poser at sasawsaw sa issue. pero nakikiramay ako sa pagpanaw ng dating pangulo. hindi ko rin masasabing ayaw ko sa kanya. simple lang ang tanong ko. may nagbago ba pagkatapos ng edsa?

o bonus na music video..