Archive for July, 2009

unang banat..

Posted in Uncategorized with tags , , on July 24, 2009 by apolseban

kamustasa..? kanina habang nangangarag ako sa pagpasok sa opisina dahil male-late na ako. medyo napa-inom kagabi e..hehe.., e biglang pumasok sa kukote ko na gumawa ng bagong blog. <kaching…!> at eto na nga, meron na! ma-try nga dito sa wordpress, sabi nila ok daw dito e. bale pang apat ko na palang blog ‘to.

“pilosopong apol”, bakit yan ang naging pamagat ng blog na ito? yan marahil ang unang tanong na maglalaro sa utak mo. yun kasi ang unang pumasok sa isip ko nung mabuo sa plano ko ang paggawa ng isa pang blog e. hehe..! babaw noh! meron kasi akong personal na blog sa blogspot (blogkoto) na tumatalakay sa mga personal kong karanasan, libangan at kung anu-ano lang. gusto ko lang ihiwalay ang mga pananaw ko sa pulitika, sa lipunan, pwede ring sa agham, spiritual o sa “the unknown”..hehe! naks! yun lang.

ayon sa wikipedia, ang libreng encyclopedia ng lahat, ang pilosopiya ay
“ang mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan.”

“Nagmula ang salitang Pilosopiya sa mga salitang griyego na “Philo” at “Sophia”. Ang “Philo” ay nangangahulugang “Pagmamahal” at ang “Sophia” naman ay “Karunungan”. Kung pagsasamahin, ito ay “Pagmamahal sa Karunungan”. Kung kaya’t ang Pilosopiya ay palagiang nagtatanong sa mga bagay-bagay upang magbigay linaw, kasagutan at karagdagang karunungan sa nagtatanong.”

so base sa nabanggit, ang mga pilosopo ay ang mga taong tumatalakay, nag-aaral at sumasagot sa mga bagay-bagay o katanungan ng sangkatauhan. pero bakit sa kasalukuyang panahon o baka sa kultura lang nating mga pinoy e parang nag-iba yata yung ibig sabihin o dating ng salitang “pilosopo”. nung panahon ni plato (400BC), isa sa mga dakilang pilosopo, kapag sinabing, “pilosopong apol”, ang taas ng tingin ng tao kay apol (naks! hehe!) dahil isa s’yang matalinong tao. pero ngayon, “si apol ay pilosopo!”, maraming magtataas ng kilay, mayayamot (“pilosopo ka ah! etong sa’yo! toinks! sabay batok!”) at meron ding matutuwa, minsan kasi nakakatuwa rin ang pamimilosopo e, hehe!

o, mula sa sinaunang greece punta tayo sa spanish period dito sa pilipinas. oo dito sa pinas, bakit pa tayo lalayo. panahon ng ating pambansang bayani, si gat. jose rizal. isa sa mga pamosong character sa nobela nyang noli me tangere ay si pilosopong tasyo. bakit sya tinawag na ganon? ayon sa nobela, si tasyo ay napakatalinong tao. pero dahil dito, pinahinto sya ng kanyang ina sa pag-aaral. natatakot kasi ang kanyang ina na dahil sa pagtatamo ng labis na kaalaman ay makalimutan na nya ang diyos. dahil sa pagiging kristyano nating bansa, ang anumang kaisipan na medyo taliwas sa paniniwala ng simbahan at ng mga matatanda ay maituturing na masama, kahit may siyentipiko pa itong batayan. marahil, doon nabago ang dating ng salitang “pilosopo”. ang pamimilosopo ay naging pagsagot ng alanganin o paglalahad ng mga kaisipan na walang basehan sa paniniwalang kristyanismo.

pero di ako magfo-formulate o maglalahad ng bagong pilosopiya, hehe! di ko rin masasabi na ako’y isang philosopher. di ako ganon ka-talino noh! magbibigay lang ako ng mga pansariling pananaw at kuro-kuro na maaring tama o mali, o yun lang ang naisip ko ng mga sandaling iyon. (hugas-kamay..wehehe!) mga pananaw na maaaring maging pilosopo ang dating sa mabunga nating mga kaisipan.

muli, ang inyong lingkod ay bukas sa anumang suhestyon, bayolenteng reaksyon o anumang pagtatama.

maraming salamat po!

link:  http://tl.wikipedia.org/wiki/Pilosopo